--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), Provincial Drug Enforcement Unit, (PDEU)  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cauayan City Police Station ang isa sa mga Regional Priority High Value Individual ng Police Regional Office 2 (PRO2) at High Value Target din naman ng PDEA kaugnay ng iligal na droga.

Ang nadakip ay si Junjun Callueng, 44 anyos, may-asawa, cook at residente ng Saranay, Cabatuan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, isinagawa ng mga otoridad ang drug buy-bust operation na nagbunga ng pagkadakip ng pinaghihinalaan.

Nakabili ng isang pakete ng hinihinalang shabu ang nagpanggap na poseur/buyer kapalit ang isang Php 1,000.

--Ads--

Nasamsam pa sa pag-iingat ng suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu.

Si Callueng  ay dinala sa Cauayan City Police Station para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, itinanggi ni Callueng na sa kanya ang nakumpiskang hinihinalang shabu.

Inamin niya na gumagamit siya noon ng illegal na droga ngunit nagbago na siya at mayroon siyang kaunting negosyo na pinagkakakitaan.