--Ads--
CTTO

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang construction worker dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Ang pinaghihinalaan ay si Erwin Delos Santos, 30-anyos, may asawa, construction worker at residente ng Canapi, City of Ilagan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, habang papauwi si Patrolman Byran Hero Yu, miyembro ng City of Ilagan Police Station ay nakita niya ang pinaghihinalaan na nakatayo sa view deck sa sports complex ng lunsod kaya nilapitan niya ito dahil sa kanyang kahina-hinalang kilos.

Gayunman ay agad na sumakay si Delos Santos sa kanyang motorsiklo at sinundan naman siya ng naturang pulis hanggang sa makarating sila sa Brgy. Sto Tomas kung saan aksidenteng natumba ang pinaghihinalaan.

--Ads--

Boluntaryo naman nitong isinuko ang isang kalibre 38 na baril na may tatlong bala.

Dahil dito ay inaresto siya ng naturang pulis at dinala sa naturang himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.