
CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 19 ang nasawi sa region 2 dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa kabuuan ay 1,305 na ang COVID-19 positive sa region 2 at sa nasabing bilang ay 439 ang active cases, 847 ang recoveries at 19 na ang namatay.
Pinakamarami ang bilang ng mga COVID-19 positive sa Isabela na 538 at 123 ang active cases habang 410 ang recoveries at lima ang nasawi.
Ikalawa ang Nueva Vizcaya na may 351 na COVID-19 positive, 222 ang active cases, 119 ang recoveries at 10 na ang nasawi.
Ikatlo ang Cagayan na may 338 cases, 58 ang active cases at 277 ang recoveries at tatlo ang nasawi.
Ikaapat ang Santiago City na may 73 cases, 36 ang active, 36 din ang recoveries at isa ang namatay.
Ikalima ang Quirino na may limang kaso na pawang gumaling na.
Nananatiling COVID-19 positive free ang lalawigan ng Batanes.
Samantala, nakapagtala ng DOH region 2 kahapon, September 17, 2020 ng 56 na bagong kaso.
Sa nasabing bilang ay 39 sa Nueva Vizcaya at pinakamarami ang bayan ng Solano na nakapagtala ng20 na bagong kaso habang 10 sa bayan ng Bayombong, dalawa sa bayan ng Bagabag, dalawa sa Aritao at tig-iisa sa bayan ng Bambang at Villaverde.
Sa Isabela, ang mga bagong kaso ay naitala sa Aurora na may tatlo, tig-iisa sa Jones, Cauayan City at San Isidro.
Sa Cagayan ay naitala ang 10 sa Tuguegarao City at isa sa Lallo.










