--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa mahigit 19,000 na baboy ang na-cull sa mga lugar sa region 2 na apektado ng 2nd wave ng African Swine Fever (ASF).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng Department of Agriculture (DA) region 2, sinabi niya na aabot na sa  19,676 ang kabuuan na ng mga na-cull na baboy sa  3 lalawigan.

Pinakamarami ang na-cull sa Isabela pangunahin  sa Cauayan City at mga bayan ng Reina Mercedes, Luna, Cabatuan, Roxas Aurora at Quezon na may  mahigit 1,000 pataas sa bawat bayan habang ang iba pang bayan ay nasa isang 1,000 pababa ang bilang.

Ayon kay Regional Director Edillo, nananatiling ASF free ang lalawigan ng Nueva Vizcaya.

--Ads--

Sa lalawigan naman ng Quirino ay apat na bayan ang nakapagtala ng kaso ng ASF, habang lima sa Cagayan at 23 na bayan sa Isabela.

Sa tatlong lalawigan  ay 288 na barangay ang apektado ng ASF mula sa 35 na bayan at lunsod sa region 2.

Ang pahayag ni Regional Director Narciso Edillo ng DA region 2.

Samantala, patuloy ang pagtulong  ng DA sa mga naapektuhan ng ASF at ang  pagtugon sa mga natatanggap nilang report ng mga naitatalang kaso ng namatay na baboy katuwang ang mga Municipal at Provincial Veterinary Office.

Sinabi ni Edillo na hinihintay pa nila ang pondo mula sa DA Central Office na ipapamahaging ayuda sa mga naapektuhan ng ASF.

Medyo mabagal aniya ang usad ng proseso dahil  dadaan pa ito sa Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay Regional Director Edillo, may mga hog raisers na hindi pa nabigyan ng ayuda sa first wave ng ASF sa rehiyon dos.

Ngayon pa lamang sila nag-request ng pondong 2 million pesos para sa unang apat na bayan at isusunod ang iba pang bayan matapos ang isang linggo hanggang makumpleto na mabigyan ang lahat.

Ang pahayag ni Regional Directo Narciso Edillo.