--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiwala si Governor Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya  na masusugpo rin ang Coronavirus Disease (COVID-19) virus at mapababa ang mga tinatamaan ng sakit sa kanilang lalawigan.

Sa talaan ng Department of Health (DOH) region 2, umabot na sa 509 ang COVID-19 positive sa Nueva Vizcaya, 270 ang active cases,  224 na ang mga gumaling at umakyat na sa 15 ang nasawi.

Ang mga bagong naitalang kaso  ay mula sa mga  bayan ng Bayombong, Bagabag at Aritao habang sa nagdaang dalawang araw ay walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Solano.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Padilla, sinabi niya na positibo siyang kaya nilang masugpo ang COVID-19 dahil pababa na ang naitatalang kaso kumpara sa nakaraang tatlong linggo.

--Ads--

Ayon sa gobernador, patuloy ang pagpapatupad nila ng mga restrictions pangunahin na sa mga senior citizens na vulnerable sa virus.

Ayon kay Gov. Padilla, patuloy ang  kanilang  pagsasagawa ng mass testing at  pagtunton sa mga tao na  naging direct contact ng mga COVID-19 positive.

Tinututukan nila ngayon  ang pagtaas  ng mga naitatalang nagpositibo sa bayan  Bagabag at Aritao.N

Naniniwala ang punong lalawigan na matutuldukan  ang paglaganap ng COVID-19 sa pamamagitan ng  pagtugon ng mga mamamayan sa  minimum health protocol.

Ang pahayag ni Gov. Carlos Padilla.