
CAUAYAN CITY – Umabot na sa 1,620 ang naitalang COVID-19 positive sa region 2 habang 1,063 na ang nakarekober.
Sa nasabing bilang ay 531 ang aktibong kaso habang umakyat na sa 26 ang nasawi.
Nakapagtala kahapon ang ikalawang rehiyon ng 59 na bagong COVID-19 positive na kinabibilangan ng isang nasawi.
Sa nasabing bilang ay tatlo ang mula sa Cagayan, 19 sa Isabela habang 37 sa Nueva Vizcaya na kinabibilangan ng isang bagong namatay sa nasabing sakit.
Sa tatlong nagpositibo sa Cagayan ay dalawa ang mula sa bayan ng Baggao at isa sa Solana habang ang 19 na bagong kaso sa Isabela ay 8 sa Naguilian, tig-dadalawa sa mga bayan ng San Manuel at Roxas gayundin ang lunsod ng Ilagan habang tig-iisa sa mga bayan ng Alicia, Reina Mercedes, San Mateo, Ramon at Lunsod ng Cauayan.
Sa Nueva Vizcaya naman ay 17 sa bayan ng Solano kabilang na ang isang namatay, 10 sa Bayombong, 7 sa Aritao, dalawa sa Quezon at isa sa Villaverde.
Sa ngayon ay umabot na sa 607 ang naitalang kaso sa Isabela, 127 ang aktibong kaso, 474 ang nakarekober at anim ang nasawi.
Sumunod ang Nueva Vizcaya na may 549 na pinakamarami ang may aktibong kaso na may 299 habang 234 ang nakarekober at 16 na ang nasawi.
Sa lalawigan naman ng Cagayan ay may naitala ng 380 na kaso, 71 ang active case, 306 ang nakarekober habang tatlo ang nasawi.
Sa Lunsod ng Santiago naman ay walang naidagdag kaya nanatiling 79 ang naitalang kaso, 34 ang aktibong kaso, 44 ang nakarekober at isa ang nasawi.
Nananatili namang lima ang naitalang kaso sa lalawigan ng Quirino na pawang nakarekober na habang zero case pa rin ang Batanes.










