--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto ng mga kasapi ng Cauayan City Police station ang isang tsuper ng tricycle sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation sa San Fermin, Cauayan City.

Ang suspek ay si Christopher Solda, 32 anyos at residente ng Cabaruan, Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt Scarlette Topinio, information officer ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na bagamat hindi kabilang sa listahan ng mga drug surrenderer ng Philippine National Police (PNP) ay matagal na minanmanan ang suspek dahil sa impormasyon hinggil sa pagbebenta niya ng iligal na droga.

Nasamsam sa pag-iingat ni Sulda ang  isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, Php500 na buy-bust money at isang unit ng cell phone na  ginamit sa transaksyon.

--Ads--

Nasa kustodiya ng Cauayan City Police Station si Solda habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanya.

Ang pahayag ni PLt Scarlette Topinio.