--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang isang ina at isang anak matapos silang pagtatagain ng isa pang anak na dumaranas ng matinding depression sa barangay Cabeseria 2, Lunsod ng Ilagan.

Naaresto at nakakulong na ang suspek na si Manuel Fariñas, 43 anyos, may-asawa matapos pagtatagain ang kanyang ina na si Digna Fariñas, 67 anyos, at kapatid na si Jay-r Fariñas, 32 anyos, may asawa at pawang mga residente ng nabanggit na barangay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PSMS Bobby Taccad, investigator ng City of Ilagan Police Station na magkakasama sa iisang bahay ang suspek at mga biktima nang bigla umanong pinagtataga ng suspek ang kapatid habang natutulog.

Umawat ang kanilang ina ngunit maging siya ay tinaga ng suspek.

--Ads--

Naitulak ni Jay-ar ang kanyang kapatid at hinampas ng matigas na bagay ngunit nakatakbo palabas ng bahay.

Naisugod sa ospital ang mag-inang Fariñas, habang naaresto ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng mga pulis.

Sasampahan ng kasong double attempted homicide ang suspek na nagkaroon umano ng diperensiya sa pag-iisip matapos makaranas ng depression nang iwan ng kanyang asawa.