--Ads--

CAUAYAN CITY -Patay ang isang tsuper matapos pagbabarilin sa tapat ng kaniyang bahay sa Barangay Calaocan, Bambang, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay si Deofer Acosta, 47 anyos, may-asawa, truck driver at residente ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng Bambang Police Station, nakarinig ng tatlong sunud-sunod na putok ng baril ang babaeng anak ng biktima.

Nang lumabas upang tingnan ang pinagmulan ng putok, laking gulat na lamang nito nang makita ang kaniyang amang nakabulagta at duguan.

--Ads--

Agad na ipinabatid ng mga kaanak ng biktima ang pangyayari sa himpilan ng pulisya na agad namang nagtungo sa nasabing lugar at nagsagawa ng imbestigasyon.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang basyo ng bala na hinihinalang nagmula sa isang 12-gauge shotgun.

Agad na dinala biktima sa Region 2 Trauma na Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.

Ayon sa mga kapamilya ni Acosta, bago nangyari ang pagbaril sa kanya ay nakipag-inuman siya sa kanilang kapitbahay.