--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi natuloy kahapon ang unang araw ng pagsasagawa ng house-to-house pre-registration ng National ID ng Philippine Statistics Authority (PSA) Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Julius Emperador ng PSA Isabela, sinabi niya na dahil kahapon lamang dumating ang mga kagamitang kailangan ng mga enumerators na magsasagawa ng pre-registration ay ngayong araw ito sisimulan.

Nagsagawa sila ng briefing kahapon sa mga dapat gawin ng mga magtutungo sa mga barangay at distribusyon ng mga listahan sa bawat bayan sa Isabela.

Ayon kay Ginoong Emperador, ngayong araw na ang talagang pagsisimula ng mga enumerators sa pag-iikot sa mga bayan para sa pre-registration ng National ID.

--Ads--

Mahigit 300,000 na mamamayan ang target na mairehistro ng mga kinuhang 150 na enumerators at 40 na supervisor.

Sa mga bayan at Lunsod sa Isabela ay 28 na ang nabigyan ng mga tablet at iba pang kailangan sa pagpaparehistro.

May ilang bayan ang kulang pa sa tablet dahil sa kakulangan din ng mga enumerators bunsod ng pagback out ng iba kaya sasanayin pa ang mga papalit sa kanila.

Ang pahayag ni PSA Provincial Director Julius Emperador.