--Ads--

CAUAYAN CITY – Ikinalungkot ng pamahalaang panlalawigan ang pagkakatala ng pinakamataas na COVID-19 positive sa Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Elizabeth, provincial information officer, sinabi niya na ang naitalang 68 confirmed COVID-19 case kahapon, October 14, 2020 ang pinakamataas na kaso ng virus sa lalawigan mula nang maitala ang kauna-unahang kaso noong March 17, 2020.

Dahil sa mga bagong kaso ay pumalo na sa 363 ang kabuuang COVID-19 positive sa Isabela.

Ayon kay Atty. Binag, ang dahilan ng biglaang paglobo ng COVID-19 positive sa Lunsod ng Ilagan ay ang naitalang community transmission dahil sa mga pasyenteng hindi pa matukoy kung paano at kanino nahawa dahil wala silang kasaysayan ng paglalakbay sa ibang lugar.

--Ads--

Bagamat patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan pangunahin sa Lunsod ng Ilagan ay hindi pa napag-uusapan kung ikukunsidera ng pamahalaang panlalawigan  ang pagpapalawig ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa lunsod o pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine protocol.

Nauna umanong inihayag ng Isabela Provincial Helath Office (IPHO) na sakaling hindi na mapipigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Lunsod ng Ilagan ay handang suportahan ang anumang  hakbang ng pamahalaang Lunsod ng Ilagan.

Ang pahayag ni Atty. Elizabeth Binag.