--Ads--

CAUAYANO CITY – Inamin ng pamahalaang lokal ng Gamu Isabela na community transmission ang sanhi ng patuloy na pagtaas ng Coronavirus Disease (COVID-19) cases ng nasabing bayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Nestor Uy ng Gamu, Isabela,  sinabi niya na batay sa assessment sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan ay masasabing dulot ito ng community transmission na nagsimula matapos na magpositibo ang isa sa mga dealer mula sa kanilang bayan na nagbabagsak ng mga produkto sa mga palengke.

Dahil dito ay naging mabilis ang paglaganap ng local transmission na sanhi ng pagkahawa  ng halos 55 mga residente sa Barangay District 3, Gamu, Isabela.

Ayon pa kay Mayor Uy, dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19  ay isinailalim ang barangay District 3 sa total lockdown hanggang sa ika-28 ng Oktubre sa bisa ng Executive Order #42.

--Ads--

Pinaigting na nila ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibong pasyente.

Isa sa kanilang paraan ay ang paggamit ng antigen test para makakuha ng tamang resulta ng pagsusuri sa mga nakasalamuha ng mga COVID-19 positive.

Ang pahayag ni Mayor Nestor Uy.