--Ads--

CAUAYAN CITY – – Muling sasailalim sa swab test si Governor Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya matapos makasalamuha ang isang COVID-19 positive sa Provincial General Service Office (PGSO).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Padilla, sinabi niya na isa sa tatlong kawani ng PGSO na nagpositibo sa Covid-19 ay mula sa Bonfal Proper, Bayombong, Nueva Vizcaya na pinagmulan ng pitong magkakamag-anak na nagpositibo sa virus sa  isinagawang Aggressive Mass Testing  at 53 na tao ang isinailalim sa swab test.

Ang COVID-19 positive ay naging close contact ng dalawa pang kawani ng PGSO na nagpositibo sa virus.

Isinailalim sa lockdown ang PGSO kasunod ng pagsasailalim sa swab test ng lahat ng mga kawani at patuloy na contact tracing.

--Ads--

Ayon kay Governor Padilla, ang pagsailalim sa lockdown sa PGSO ay nagresulta ng pagkaantala sa serbisyo ng pamahalaang panlalawigan kaya pinaigting pa ang contact tracing.

Umaasa si Governor Padilla na muling negatibo ang resulta ng ikatlong beses na pagsailalim niya sa swab test.