
CAUAYAN CITY – Naglaan ng 8 billion pesos na pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga apektado ng bagyo lalo na ang super bagyong Rolly.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III ng DOLE na ipinalilista na niya ang mga manggagawa na hindi nakapagtrabaho dahil sa bagyo para mabigyan tulong.
Ayon sa kalihim, ang mga nasa formal sector ay mabibigyan ng cash assistance na 5,000 habang ang mga informal workers gaya ng mga sidewalk vendors ay bibigyan ng trabaho sa loob ng 15 na araw.
Bukod dito ay mayroon ding inilaang pondo para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng bagyo.
Aniya, magpatala lamang sila sa opisyal ng kanilang barangay at sila naman ang magsusumite sa tanggapan ng kanilang mayor.










