--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa tatlo ang nasawi sa Cauayan City sanhi ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Umabot na sa 46 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Lunsod ng Cauayan ngunit 27 na lamang ang aktibong kaso.

Ang nasawi ay mula sa 11 na bagong COVID-19 positive sa Lunsod ng Cauayan.

Sa pulong ng COVID-19 Task Force Council ay inihayag ni Atty. Reina Santos, City Information Officer na ang ikatlong nasawi ay may comorbidities o sakit at na-trigger ng kanyang pagpositibo sa COVID-19.

--Ads--

Ayon kay Atty. Santos,  hindi ipapatupad sa Cauayan City ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) kahit tatlo na ang nasawi dahil karamihan sa mga nagpositibo ay kapamilya ng mga unang COVID-19 positive.  

Paiigtingin ang  zoning containment strategy  sa mga barangay para mahadlangan ang pagkalat ng sakit.

Sa muling pagpupulong ng task force ay isasama ang mga opisyal ng barangay para talakayin ang mga ipatutupad na hakbang upang mahadlangan ang pagkalat ng virus.