--Ads--

CAUAYAN CITY – Gumaling ang isang 93 anyos na lola na nagpositibo sa COVID-19 matapos na dalhin sa  Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa ng Tuguegarao City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao, medical Center Chief ng CVMC na tumataas ang recoveries ng COVID-19 patients at bumababa ang nagpopositibo ng virus.

Marami aniya ang gumagaling dahil sa kawalan ng comorbidities at kung mayroon mang ibang sakit ay nagagamot.

Sinabi pa ni Dr. Baggao na natutuwa sila dahil mayroon silang pasyenteng 93 anyos na lola ang gumaling matapos na magpositibo sa virus noong ika-2 ng Nobyembre matapos mahawa sa kanyang apo na nagpositibo sa virus.

--Ads--

Wala aniyang comorbidities ang lola kayat madali lamang na nagamot at ppinayagan nang makauwi sa kanilang bahay matapos manatili ng walong araw sa ospital at nag-negatibo na sa virus.

Sinabi ni Dr. Baggao na malakas ang lola at tila hindi tinamaan ng COVID-19.

Ang pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao.