--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa 1,440 families o 5,048 na individual ang naapektuhan ng mga pagbaha sa 15 bayan sa region 2 dahil sa mga pag-ulan.

Umabot sa 358 families o 1,208 individual ang nasa evacuation centers habang 298 families o 1,033 individual ang nakituloy sa mga kapitbahay at kamag-anak.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Information Officer Michael Conag ng Office of Civil Defense (OCD) region 2 na mula sa Cagayan ang karamihan sa mga bayan na apektado ng pagbaha na umabot sa 3 hanggang 4 feet ang taas ng tubig.

--Ads--

Kabilang sa mga bayan na apektado ay ang Aparri, Pamplona, Sta. Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Ballesteros, Lal-lo, Lasam at Tuguegarao City NA MAY 1,382 families 4,099 individual.

Sa Isabela ay 47 families o 200 indivdual sa bayan ng Cabatuan at San Isidro.

Sa Quirino Province ay tatlong pamilya o 22 indivdual ang lumikas sa bayan ng Saguday.

Sa Nueva Vizcaya ay lumikas ang walong pamilya o 27 individual sa Aritao, Dupax del Norte at Kasibu.

Umabot sa 716 families ang displaced sa Cagayan, Isabela at Quirino dahil sa pagbaha.

Ayon kay Ginoong Conag, limang bayan ang nagkaroon ng power interruption sa Cagayan partikular sa Sta. Praxedes, Amulong, Aparri, Claveria at Gonzaga.

Sa bayan ng Sta. Praxedes ay naibalik na ang daloy ng koryente habang inaayos pa sa apat na bayan.

Naitala naman ang pagguho ng lupa sa Manila North road sa bayan ng Claveria at isang lane pa lamang ang puwedeng daanan.

Hindi rin madaanan ang lansangan sa Rizal junction sa Rizal, Cagayan dahil sa mudflow at patuloy ang clearing operation.

Sa bayan naman ng Peniablanca ay isang lane ang madaanan sa Callao cave road.

Sa San Juan, Sta. Praxedes ay hindi madaanan ang Manila north road dahil sa pagguho ng lupa.

Samantala, sa mga overflow bridges ay hindi pa rin madaanan ang overflow bridge sa pagitan ng Cabagan at Sta Maria, Isabela dahil sa mataas na level ng tubig sa Cagayan River.

Hindi rin madaanan ang San Pedro oveflow bridge sa Maddela, Quirino.

Pinayuhan ni Ginoong Conag ang mga residente na nakatira malapit sa mga sapa, ilog at landslide prone areas na maging mapagmatyag at agad na lumikas kapag patuloy ang pag-ulan para maiwasan ang panganib.

Ang pahayag ni Information Officer Michael Conag.