--Ads--

CAUAYAN CITY – Pansamantalang isinara sa publiko ang St. Michael Cathedral at ang Bishop Residence sa Gamu, Isabela simula ngayong araw, November 12, 2020.

Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 si Bishop  David William Antonio ng Diocese of Ilagan.

Nagpa-swab test siya noong Lunes, ika-9ng Nobyembre para sana sa kanyang travel permit subalit lumabas na positibo siya  sa COVID-19.

Asymptomatic naman si Bishop Antonio at sumasailalim na sa quarantine.

--Ads--

Pinapayuhan ang lahat ng kanyang nakasalamuha sa mga nagdaang araw na sumailalim sa sampo hanggang labing-apat na araw na quarantine at pakiramdaman ang sarili kung nakakaramdam ng anumang sintomas ng virus.