--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatlumpot tatlo ang bagong COVID-19 positive sa Isabela ngayong araw ng Lunes, ika-16 ng Nobyembre 2020.
Sa nasabing bilang ay 29 ang mula sa Aurora habang 4 sa Gamu, Isabela.
Umabot na sa 284 active cases sa Isabela habang 10 ang mga bagong gumaling.
Sa 284 na bilang ay 6 ang Returning Overseas Filipino, 16 ang Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APOR’s), 4 ang pulis, 32 ang mga health workers at 226 ang nahawaan dahil sa local at community transmission.
--Ads--
Patuloy ang paalalala ng pamahalaang panlalawigan sa mga mamamayan na sumunod sa mga health protocols, magsuot ng face mask, face shield, sumunod sa social distancing at huwag lumabas sa bahay kung walang mahalagang gagawin sa labas.










