--Ads--

CAUAYAN CITY – Binawasan na ng Tactical Operations Group 2, Philippine Air Force (TOG2, PAF) ang kanilang air assets sa Cagayan para sa patuloy na rescue at relief operations.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Col. Augusto Padua, commander ng TOG2, PAF na babalik na sa kanilang headquarters ang tatlo sa limang helicopter ng PAF na kahalili ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan sa pagbibigay ng ayuda sa mga mamamayang apektado ng pagbaha.

Mananatili naman ang dalawa pa nilang helicopter sa lalawigan para magsagawa pa rin ng relief operations.

Ayon kay Col. Padua, patuloy ang pag-transport ng mga relief goods ng PAF mula sa ibang lugar at tiniyak niya na tuloy ang kanilang serbisyo hangga’t kailangan ng Cagayan ang kanilang puwersa.

--Ads--

Ayon pa sa opisyal, karamihan sa mga lugar na nabaha sa Cagayan ay naabot na ng mga sasakyan at bukas na ang lahat ng mga pambansang lansangan.

Sinabi pa ni Col. Padua na sa assessment nila sa dalawang binahang lalawigan ay napakahalaga ang air assets dahil tumitindi ang mga nangyayaring pagbaha kapag panahon ng tag-ulan.

Ang pahayag ni Col. Augusto Padua