--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbigay ng tulong si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo para sa mga naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Isabela kasabay ng pagpapasinaya sa kauna-unahang Molecular Laboratory ng Philippine Red Cross (PRC) sa Isabela.

Personal na iniabot ni Bb. Mateo ang kanyang tulong kay Governor Rodito Albano ng Isabela kasabay ng kanyang pagdiriwang kahapon ika-24 na kaarawan.

Sinabi niya na malaking hamon sa sambayanang Pilipino ang taong 2020 lalo na sa Isabela dahil bukod sa banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) ay naranasan ang malawakang pagbaha na dulot ng Bagyong Ulysses.

Inihayag pa ni Bb. Mateo na kailangan ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa upang mapagtagumpayan ang pagbangon mula sa pinsalang dulot ng kalamidad.

--Ads--

Hiling niya na magpatuloy ang pagtulong sa mga mamamayan na lubhang sinalanta ng pagbaha.

Samantala, binati ni Miss Universe Philippines 2020 Mateo ang PRC sa pagbubukas ng kauna-unahang Molecular Laboratory sa lsabela dahil isa itong paraan upang malabanan ang COVID-19.

Matapos ang pagpapasinaya sa Molecular Laboratory ng PRC ay tumulong din ang beauty queen sa pamamahagi ng mga ayuda sa Sipay, Lunsod ng Ilagan.

Ang pahayag ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.