CAUAYAN CITY – Umabot na sa 15,000 na tinapay ang naipamahagi ng Technical Education Skills Development Authority Isabela Schools of Arts and Trade (ISAT-TESDA) sa iba’t ibang mga barangay sa Lunsod ng Ilagan na sinalanta ng malawakang pagbaha.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ISAT-TESDA Superintendent Edwin Madarang, ang mga tinapay ay ginawa ng mga instructor, mga estudyante at mga graduate student ng mga tinapay na ipinamigay sa mga residente sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses.
Ito ay sa tulong ng mga donasyon na mula sa City of Ilagan Bakers Association sa inisyatibo ito ng ISAT-TESDA.
Bukod sa pagbibigay ng mga baked products ay tumanggap din ang kanilang pasilidad ng mga evacuees.
Ayon pa kay ISAT-TESDA Superintendent Madarang, bukod sa Lunsod ng Ilagan ay namahagi na rin sila ng mga tulong sa ibang mga bayan sa lalawigan maging sa Cagayan.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga donasyon sa ISAT-TESDA kaya patuloy din ang pamimigay nila ng mga tulong sa mga mamamayan.
















