--Ads--

CAUAYAN CITY-Nakapagtala ng siyam na panibagong nagpositibo sa COVID-19 ang City Health Office ng Cauayan.

Tatlo sa nasabing mga panibagong pasyente na kinabibilangan nina CV 3468,CV 3469 at CV 3470 ay pawang kamag-anak ni patient CV 3400 na pawang residente ng barangay San Fermin.

Si Cv 3474, 33 anyos na babae, may asawa at residente ng barangay San fermin ay mayroong kasaysayan ng paglalakbay sa San Fernando City, La union at naging direct contact ni CV 3399.

Agad siyang sumailalim sa strict home quarantine ng makaramdam ng ilang sintomas ng COVID 19 at nasa pangangalaga ng LGU quarantine facility.

--Ads--

Sumunod si CV 3475, 36 anyos na lalaki na residente ng barangay District 2 na direct contact ni 3402 na kanyang ama.

Siya ay asymptomatic at kasalukuyang sumasailalim sa strict home quarantine.

Ang pang-anim na panibagong nagpositibo ng COVID-19 si CV 3476, 53 anyos na isang guro at residente ng barangay District 3.

Agad naman siyang nakipag-ugnayan sa City Health Office matapos na makaranas ng sintomas ng COVID-19 tulad ng lagnat at ubo na agad na Isinailalim sa pagsusuri

Inaalam pa kung saan nito maaaring nakuha ang virus matapos na lumabas na wala siyang history of exposure.

ikapitong COVID-19 case si CV 3479 na 62 anyos, residente ng Barangay Turayong, siya ay kamag-anak ng naunang nagpositibo sa virus na si CV 3389 na kaniyang anak.

Ang pang-walo ay si CV 3480, 25 anyos na lalake, residente ng barangay minante Uno at pansamantalang naninirahan sa barangay San Fermin.

Nagsimula siyang makaranas ng ilang sintomas ng virus noong November 9, 2020 na agad namang sinailalim sa pagsusuri at lumabas na positibo sa virus.

Ang pang-siyam ay si CV 3477 na 55 anyos babae at residente ng barangay Turayong.

Nakaranas siya ng kawalan ng gana sa pagkain at mayroong Comorbidities.

Walang history of exposure ang naturang pasyente kaya patuloy na inaalam ng mga kawani ng City Health Office ang maaring pinagmulan ng virus.

Lahat ng mga panibagong pasyente ay mahigpit na binabantayan na pinangangasiwaan ng LGU quarantine facility.