--Ads--

CAUAYAN CITY Pormal nang binuksan ang Molecular Laboratory  sa Lunsod ng Ilagan.

Pinangunahan ni Mayor  Jose Marie Diaz ang blessing at inagurasyon ng Molecular Laboratory sa San Antonio, City of Ilagan Hospital kasama si Provincial Health Officer Dr. Nelson Paguirigan at iba pang mga opisyal ng pamahalaang lunsod.

Sa operasyon ng laboratoryo ay libre ang swab test para sa mga Ilaguenio na miyembro ng Philhealth habang may bayad ang pagsusuri sa mga specimen mula sa ibang bayan o mga kalapit na lalawigan.

Maaari nang simulan ng City Health Office (CHO) ang pagsusuri kapag natanggap na ng laboratoryo ang License to Operate mula sa Department of Health (DOH).

--Ads--

Inaasahang makakapag-proseso ang Molecular Laboratory ng 300 na specimen bawat araw at makapaglabas ng resulta sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

Ayon kay Mayor Diaz, inaasahan na ang isasagawang  mass testing kasunod ng pagbubukas ng laboratoryo upang malaman ang kalagayan ng kalusugan ng mga Ilaguenio may kaugnayan sa COVID-19.

Ang pahayag ni Mayor Josemarie Diaz.