--Ads--

CAUAYAN CITY– Namatay ang isang magsasaka matapos na barilin ng kaniyang tiyuhin sa loob ng kaniyang bahay sa purok dos barangay Bigao, Ilagan City

Ang biktima ay si Jimmy Guzman, 36 anyos, may-asawa, magsasaka habang ang suspect ay si Fredelito alyas Popoy Guzman, 55 anyos, may asawa magsasaka at kapwa residente ng naturang barangay.

Batay sa paunang na pagsisisyasat ng City of Ilagan Police Station, ang suspect ay lango sa alak nang magtungo sa bahay ng biktima bitbit ang isang shotgun.

Bago ang pamamaril ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspect at ang biktima na nauwi sa pamamaril at pagpatay sa biktima.

--Ads--

Ayon sa ama ng biktima, na-inggit ang suspect dahil sa pagtulong ng biktima sa kapatid nito na maka-angat sa buhay.

Agad namang dinala sa isang pribadong pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician dahil sa malubhang sugat na natamo nito sa kanyang tiyan.

Agad namang nadakip ang suspect sa pamamaril at nasa pangangalaga na ng City of Ilagan Police Station.