--Ads--

CAUAYAN CITY Mahaharap sa kasong illegal gambling ang tatlong babae na kinabibilangan ng isang lola sa lunsod ng Cauayan matapos na mahuli ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station na nagsusugal sa barangay District 1.

Ang mga nadakip ay nasa edad 61, 46 at 59 na pawang residente ng naturang lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, unang nakatanggap ng impormasyon ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station kaugnay sa pagsusugal ng mga pinaghihinalaan sa isang bahay sa naturang barangay.

Dahil dito ay agad tumugon ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station sa naturang lugar at nadatnan ang mga nasabing babae na nagtotong its.

--Ads--

Dinakip ang mga pinaghihinalaan at dinala sa himpilan ng pulisya para sa pagsasampa ng kaso.

Nasamsam sa naturang operasyon ng pulisya ang barahang ginamit sa pagsusugal at perang nagkakahalaga ng P87.