--Ads--

CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw sa Isabela ang 10 panibagong kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 3 sa mga bagong kaso ang mula sa bayan ng Cordon, 2 sa Ilagan City habang tig-iisa sa Cauayan City , Santiago City, mga bayan ng Gamu, Roxas at San Mariano.

Magandang balita naman dahil 47 ang naidagdag sa mga gumaling kaya bumaba na sa 249 ang aktibong kaso sa Isabela.

--Ads--

Apat ang Returning Overseas Filipinos, 6 ang non-authorized persons outside residence, 20 ang health worker, 5 ang pulis at 214 ang mula sa local transmission.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakakilangan.