CAUAYAN CITY – Nasa kritikal na kondisyon ang isang helper matapos hampasin ng bato ng magkapatid sa Purok 7 Barangay Sinsayon, Santiago City
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang biktima ay si Genesis Lagrama,18 anyos habang kinilala naman ang magkapatid na suspect na sina Melchor Mendoza, 24 anyos at Mel Mendoza,25 anyos, construction worker at pawang mga residente ng nasabing Barangay.
Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, dahil umano sa kalasingan ng biktima ay nagawa umano nitong sirain ang motorsiklo at telebisyon ng mga suspect gamit ang isang crowbar.
Dahil umano sa inis ng magkapatid na suspect ay pinalo nila ng bato sa ulo ang biktima na nagresulta ng malalang head injury na kaagad dinala sa Southern Isabela Medical Center.











