--Ads--

CAUAYAN CITY– Gumaling na si Isabela Provincial Tourism Officer Dr. Troy Alexander Miano matapos magpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Tourism Officer Dr. Troy Alexander Miano, sinabi niya na matapos siyang makaranas ng lagnat at pananakit ng kalamnan ay agad na siyang nakipag-ugnayan sa Municipal Health Office (MHO) ng Cabatuan at nagpositibo sa rapidt at antigen test.

Agad naman siyang isinailalim sa swab test at nakumpirmang positibo sa virus.

Maliban sa kanya ay nagpositibo rin sa virus ang 14 na indibiduwal na kinabibilangan ng kanyang maybahay, anak at ilan pang kasama sa trabaho.

--Ads--

Agad siyang isinailalim sa isolation sa Echague District Hospital subalit dahil mas dumami ang kaniyang sintomas tulad ng pagkawala ng panlasa, pang-amoy at bahagyang pagkahingal at nakadagdag pa ang kanyang comorbidity na sakit sa puso ay nagpasya ang pamunuan ng ospital na ilipat siya sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.

Ayon kay Dr. Miano, dahil sa kaniyang pagkaka-isolate ay nakaramdam siya ng kalungkutan at pangamba na idinaan niya sa pag-popost sa social media na naging daan para bumuhos ang panalangin para sa kanyang tuluyang paggaling at ng kaniyang buong pamilya.

Sa ngayon anya ay unit-unti na siyang nakaka-recover.

Ang bahagi ng tinig ni Provincial Tourism Officer Dr. Troy Alexander Miano