CAUAYAN CITY– Nagtala ng record high ang Lunsod matapos na maitala ang 36 na nagpositibo sa COVID-19 kahapon,araw ng Sabado.
Dahil dito umabot na sa 62 ang active cases sa Lunsod ng Cauayan
Sa inilabas na impormasyon ng Cauayan City COVID-19 Task force lima sa panibagong kaso na kinabibilangan nina CV 5194, CV 5195, CV 5196, CV 5224, at CV 5225 na pawang direct contact ng nagpositibong si CV 5088.
Sila ay nakaramdam ng sintomas ng virus tulad ng sipon, lagnat, pagkawala ng panlasa at pang-amoy,habang Asymptomatic naman si CV- 5225.
Sumunod na naitala ay si CV 5199, lalaki, 41 anyos, isang Radio Operator, na residente ng Barangay District 3.
Siya ay direct contact nina CV5114 at CV5010 na kasamahan sa trabaho.
Siyam naman sa naitalang panibagong kaso na kinabibilangan nina CV5210, CV5215, CV5216, CV5217, CV5219, CV5220, CV5221, CV5222, at CV5223 ay mga pulis na pawang direct contact ni CV5189.
Dalawang pang pulis na sina CV5207, lalaki,22 anyos at CV5218, babae, 23 anyos, residente ng Barangay San Fermin, tubong Itbayat, Batanes.
Sila ay walang history of travel. Subalit nakaranas ng sintomas si CV 5218 tulad ng pagkawala ng panlasa.
Inaalam pa ng CHO ang kaniyang posibleng exposure.
Sampu naman sa naitala kahapon na kinabibilangan nina CV5226, CV5227, CV5228, CV5229, CV5230, CV5231, CV5232, CV5233, CV5235, at CV5244 ay direct contact ng nagpositibong sina CV5088 at CV5089.
Apat sa mga ito ang nakaranas ng sintomas habang anim ang asymptomatic.
Kasama rin sa nagpositibo ng virus si CV- 5236, lalaki, 39 anyos, isang patrol team leader na residente ng Barangay Minante 2, walang history of travel subalit nakaranas ng sintomas ng virus at inaalam pa ng LGU ang kanyang posibleng exposure.
Pang-dalawampu’t siyam na nagpositibo si CV5237, lalaki, 44 anyos,isang Patrol Team Leader na residente ng Barangay Nungnungan uno.
Ang iba pang nagpositibo ay si CV5238, lalaki, 44 anyos na pulis at residente ng Barangay San Fermin.
Sumunod ay si CV5240, babae, 63 anyos na residente ng Barangay District 3.
Isa rin si CV5241, babae, 51 anyos Admin Staff sa isang ospital na residente ng Barangay Buena Suerte.
Sumunod si CV5246, lalaki, 41 anyos na pulis, residente ng barangay Cabaruan.
Ika-tatlumpu’t apat ay si CV5247, isang taong bulang na batang babae at residente ng Barangay San Fermin.
Sumunod si CV5253, babae, 51 anyos,isang empleyado na residente ng Barangay San Fermin.
Ang panghuli ay si CV5254, babae, 23 anyos na residente ng Barangay San Fermin.
Siya ay anak ng nagpositibong si CV5253.
Siya ay kasalukuyang nasa hospital isolation facility.
Ang naturang mga panibagong kaso ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU Quarantine Facility maliban lamang kina CV 5221 na nasa Luna Ligtas COVID 19 Center at si CV 5253 na naka admit sa Southern Isabela Medical Center.











