CAUAYAN CITY – Natagpuan sa Cagayan River sa barangay Lapogan, Tumauini, Isabela ang isang lalaki na ilang araw nang nawawala sa Cauayan City.
Kinumpirma ng mga kapamilya na ang bangkay ay si Rodante Ramones na residente ng Cabaruan, Cauayan City.
Natagpuan ang bangkay ni katawan ni Ramones ng isang mangingisda sa ilog.
Ayon sa Tumauini Police Station, nakuha na ng pamilya ang bangkay ni Ramones.
Matatandaang sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa asawa ni Rodante na si Sally, sinabi niya na noong January 2, 2021 ay nagpunta ang kanyang mister sa barangay Villa Luna, Cauayan City at dakong alas siete ng gabi nang nagpumilit umano siyang umuwi batay sa kanilang kamag-anak na tumawag sa kanya.
Gayunman ay hindi dumating sa kanilang bahay sa barangay Cabaruan.
Aniya, posibleng nahulog sa Alicaocao overflow bridge ang kanyang mister dahil bukod sa nakainom ng alak ay sakay din siya ng motorsiklo.











