CAUAYAN CITY– Muling nakapagtala ang lalawigan ng Isabela ng mataas na kaso ng COVID-19.
Ngayong araw ay naitala ang 65 na bagong kaso ng virus dahilan para umakyat na sa 391 ang aktibong kaso.
Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 22 sa mga bagong kaso ang mula sa Cauayan City, 13 sa Ilagan City, 8 sa Santiago City, 7 sa bayan ng Tumauini, 5 sa San Mariano, tig-tatatlo sa Jones at Luna, dalawa sa San Mateo habang tig-iisa sa Quirino at Ramon.
Sa mga aktibong kaso ay isa ang Returning Overseas Filipinos , apat ang non-authorized persons outside residence, 22 ang Health Worker, 30 ang pulis at 334 ang mula sa local transmission.
Dalawampu’t isa naman ang naidagdag sa mga gumaling kaya umabot na sa 2,958 ang kabuoang bilang ng mga nakarecover.
Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan.











