--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsasagawa na ng joint investigation ang National Bureau of Investigation (NBI), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Quirino at ang binuong Special Investigation Task Group (SITG) Altre para malutas ang pagpatay sa intelligence officer ng Maddela Police Station sa Maddela, Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inamin ni PCapt William Agpalza, hepe ng Aglipay Police Station na hirap sila ngayon sa ginagawa nilang pagsisiyasat kaugnay sa pagpatay kay Police Executive Master Sergeant (PEMS) Dexter Altre, intelligence officer ng Maddela Police Station.

Matatandaang natagpuan ang palutang-lutang na bangkay ng pulis sa ilog na bahagi ng Cabugao, Aglipay, Quirino noong January 2, 2021 matapos ang ilang araw na siya ay nawala.

Sa ngayon ay kasama na rin nila sa pagsisiyasat ang NBI at ang CIDG Quirino dahil nais ng kanilang nakakataas na malutas agad ang naturang kaso.

--Ads--

Ayon sa kanya, hanggang ngayon ay wala pa silang persons of interest dahil nasa process of elimination pa lamang sila.

Ayon kay PCapt Agpalza, masusi nila itong iimbestigahan para hindi sila magkamali.

Tiwala sila na gaano man kagaling na magtago ang mga gumawa ng krimen ay siguradong may lalabas pa rin para maging testigo.

Dahil dito, nanawagan siya sa lahat ng mga may alam tungkol sa pangyayaring ito na makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya sa kanilang kinaroroonan para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni PEMS Altre.

Ang pahayag ni PCapt William Agpalza