CAUAYAN CITY– Umakyat na sa 122 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa Cauayan City matapos maitala ang 13 nagpositibo sa virus ngayong araw.
Halos lahat sa mga panibagong kaso ng virus sa Cauayan City ay pawang mga direct contact.
Dalawa sa naitala na si CV5699 at CV5708 ay mga kapamilya ng nagpositibong si CV5580.
Sila ay nakaranas ng sintomas tulad ng ubo at agad silang pinag-strict home quarantine matapos magpositibo si CV 5580.
Patuloy naman nilang tinatapos ang kanilang mandatory quarantine.
Sumunod ay si CV-5700, 22 anyos na lalaki, residente ng Barangay Tagaran na direct contact ng nagpositibong si CV5416 na kanilang kusinera.
Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng ubo at lagnat at may history of travel sa mga bayan ng Alicia, Tumauini, Cabagan at Sto. Tomas.
Ipinagpapatuloy naman nito ang kaniyang mandatory quarantine.
Sumunod si CV5701, 32 anyos na lalaki na residente ng Barangay Alicaocao, direct contact ng nagpositibong si CV5586 na kasamahan nito sa trabaho.
Sumunod ay si CV5702, 44 anyos na lalaki, isang guro na residente ng Barangay Cabaruan, nakaranas ng ubo at sipon.
Dahil may comorbidity na asthma ay nagpasyang sumailalim sa antigen test at nagpositibo.
Sumunod na naitala ang mag-asawang sina CV5703 at CV5704 na residente ng Barangay District 3.
Sila ay Direct contact ng mga nagpositibong sina CV5521, CV5580, at CV559 na kasama sa bahay.
Sumunod si CV5705, 5 anyos na lalaki , residente ng Barangay District 1 at direct contact ng nagpositibong sina CV5517, at CV5518 na kanyang mga magulang.
Tatlo pa sa naitala na kinabibilangan nina CV 5706, CV 5709, at C V5710 ay kapamilya ng nagpositibong si CV 5595, pawang residente ng Barangay San Fermin.
Sumunod si CV 5707, 21 anyos na lalaki at residente ng Barangay San Fermin na direct contact nila CV5351 at CV5524 na kanyang mga magulang.
Panghuling nagpositibo ay si CV5519, 40 anyos na babae, residente ng Barangay San Fermin, isang empleyado na direct contact ni CV5246 na kanyang asawa.
Ang mga barangay na kinaroroonan ng mga bahay ng mga nagpositibo sa virus ay nakasailalim sa calibrated lockdown.











