--Ads--

CAUAYAN CITY– Inamin ng PhilHealth Region 2 na may mga natukoy na silang fraudulent claims sa COVID 19 benefits ng mga pasyente na kinasasangkutan ng ilang personnel ng mga quarantine facility.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Buddy De Jesus, spokesman ng PhilHealth region 2, sinabi niya na iniimbestigahan na nila ang naturang mga claims habang nasampahan na rin ng kaso ang ilang indibiduwal.

Nagpaalala si G. De Jesus na mahigpit ang pamunuan ng PhilHealth sa monitoring may kaugnayan sa mga fraudulent claims na kinasasangkutan ng ilang personnel ng mga quarantine facility.

Bagamat walang kinalaman ang mismong mga namumuno sa mga quarantine facility ay may mga personnel ang sangkot sa panloloko para makakuha ng claims sa COVID 19 na kanilang sasampahan ng kaso..

--Ads--

Sa kabila nito ay hinimok niya ang publiko na patuloy na suportahan ang mga programa ng PhilHealth.

Ang bahagi ng pahayag ni G. Buddy De Jesus, spokesman ng PhilHealth region 2