--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinasinayaan ng Department of Agriculture (DA) sa Tuguegarao City ang kauna-unahang Anthrax Laboratory sa Pilipinas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Excecutive Director Narciso Edillo ng DA region 2, sinabi niya na ang state of the art laboratory ay nagkakahalaga ng higit 5 million pesos.

Ang Anthrax Laboratory ay naitayo sa pakikipagtulungan sa DA ng United States Department of Agriculture at U.S Defense Threat Reduction Agency.

Ayon kay Regional Director Edillo, sa pamamagitan ng naturang laboratoryo ay mas madali nang malalaman kung infected ng anthrax ang isang hayop tulad ng kalabaw, baka at kambing.

--Ads--

Ang anthrax ay isang uri ng sakit ng mga hayop na maaaring magdulot ng kamatayan ng mga ito.

Taong 2015 nang huling makapagtala ng antharx ang lalawigan ng Cagayan at may ilang naitalang namatay dahil sa naturang sakit.

Sa kabila nito nilinaw ni Regional Director Edillo na sa ngayon ay nanatiling anthrax free ang buong region 2.

Maliban sa region 2 ay tatanggap din ng specimen ang laboratoryo mula sa iba pang bahagi ng Hilagang Luzon.

Ang pahayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo