--Ads--

CAUAYAN CITY– Positibo pa rin sa COVID-19 ang ilang kasapi ng City of Ilagan Police Station na nagpositibo sa virus matapos isagawa ang kanilang swab retest.

Matatandaang, 13 pulis ang nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing himpilan ng pulisya dahil sa pagkakaroon ng hawaan sa mga swat members.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. CoL. Virgilio Abellera Jr., hepe ng City of Ilagan Police Station, sinabi niya na isa sa 10 SWAT member na kamakailan lamang ay nagpositibo sa COVID-19 ang nakalabas na sa quarantine facility habang ang 9 naman ay nasa pangangalaga pa rin ng LGU quarantine facility at patuloy na inoobserbahan.

Aniya, mahalaga sa mga mamamayan na sumunod sa mga ipinapatupad na health protocols dahil nasa kamay mismo ng mga Ilagueno ang kanilang kaligtasan sa banta ng COVID-19.

--Ads--