--Ads--

CAUAYAN CITY– Pormal ng pinasinayaan ngayong araw ang bagong quarantine facility ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC na isang 32 bed capacity ang bagong COVID ward ng pagamutan.

Bukod pa rito ang tig-dadalawang kuwarto na para sa mga babae at lalaking empleyado ng pagamutan.

Aniya, kumpleto sa kagamitan ang bawat kuwarto at kanya-kanya rin ang aircon.

--Ads--

Ang kaibahan lamang nito sa mga nauna nilang isolation rooms ay mas maliit ito dahil ang mga ginagamit ngayon ay hindi naman talaga para sa isolations.

Ilalagay naman dito ang mga nagpapagaling na at hindi malala ang kondisyon habang ang mga bagong dating at may malalang kondisyon ay sa nauna nilang COVID ward dahil kumpleto ito sa kagamitan.

Ayon sa kanya, napapanahon ito ngayon dahil umaabot na sa isang daan ang kanilang COVID patients.

Sa linggo ay aasahang maging fully operational na ang naturang bagong quarantine facility ng CVMC.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao