--Ads--

CAUAYAN CITY– Nanatiling nasa calibrated lockdown ang ilang bahagi ng Pillar Street, District 3, Cauayan City matapos makapagtala muli ng mortality at panibagong kaso ng COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay barangay Kapitan Estoy Merris, inihayag niya na sa kasalukuyan ay nasa 13-day na sa calibrated lockdown ang naturang lugar.

Aniya, 15 tao ang nagpositibo sa COVID 19 mula sa nasabing lugar at 2 ang naitalang nasawi .

Sa kasalukuyan ay maayos na natutugunan ng kanilang tanggapan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

--Ads--

Inatasan ang mga Barangay Tanod para manguna sa pagbili ng mga pangangailangan ng mga residente, maliban dito ay nauna na ring nagbigay ng ayuda ang barangay sa mga residenteng kasalukuyang naapektuhan ng calibrated lockdown.