CAUAYAN CITY– Inaasahang magsisismula na sa February 5, 2021 ang unang batch ng saliva testing sa lahat ng regional molecular laboratory ng Philippine Red Cross (PRC).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Josie Stephany Cabrera, Chapter Administrator ng PRC Isabela sinabi niya na ito ay kasunod ng pag-apruba ng Department of Health (DOH) sa saliva testing ng Philippine Red Cross noong January 22, 2021.
Sa kasalukuyan anya ay dalawang molecular laboratory ng PRC sa Maynila ang nagsasagawa na ng saliva testing at sisimulan ito sa lahat ng regional molecular laboratory ng PRC February 5, 2021.
Inaaahang darating na rin ang mga saliva testing kits para sa gagawing mass testing ng PRC Isabela.
Sa kasalukuyan kaya ng PRC molecular laboratory na magproseso ng 1,000 saliva test at 1,000 libo ring RT-PCR test bawat araw at nanatiling 24 hours ang turn-out time ng mga resulta.
Aniya gagamitin ang saliva testing para sa mga magbibiyahe sa loob ng pilipinas habang RT-PCR testing naman sa mga magbibiyahe abroad.
May online application na maaaring gamitin ang mga nagnanais sumailalim sa saliva testing at kung maka-pagregister na ay saka palang ma-schedule ang kanilang saliva testing at papayuhan na magtungo sa PRC molecular Laboratory.
Sinabi pa ni PRC Chapter Administrator Cabrera na 15 minutes to 30 minutes bago ang test ay dapat iwasan ang pagkain at pagmumog.
Nakapagproseso na ang PRC Isabela ng 3,757 na swab test o RT-PCR test mula November 25, 2020 hanggang December 31, 2020 habang umaabot naman sa mahigit 2,000 RT-PCR testing ang kanilang naproseso ngayong buwan ng Enero at kadalasan dito ay mula sa mga LGU, mga ospital at mga frontliner.











