--Ads--

CAUAYAN CITY– May mga kompanya at indibiduwal pa rin ang nagsasagawa ng blood letting activity kabilang ang Bombo Radyo Cauayan sa kabila ng pandemya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PRC Isabela Chapter Administrator Josie Stephany Cabrera, sinabi niya na prayoridad nila ang mga lugar na walang naitatalang kaso ng COVID 19.

Aniya, araw-araw ay may walk-in sa kanilang tanggapan para magdonate ng dugo.

Isa hanggang dalawang beses rin sa isang buwan silang nagsasagawa ng blood letting activities at pinakahuli ay ang blood letting activity na isinagawa sa kanilang tanggapan noong January 15, 2021 kung saan nasa 30 bags ng dugo ang kanilang nalikom.

--Ads--

Gayunman nilinaw ni Chapter administrator Cabrera na limitado ang oras at bilang ng tao na maaaring mag-donate ng dugo.

Aniya, binibigyan ng kanya-kanyang oras ang mga magdodonate ng dugo at limitado ito ng hanggang 10 tao.

Ang bahagi ng pahayag ni PRC Isabela Chapter Administrator Josie Stephany Cabrera