--Ads--

CAUAYAN CITY– Hihintayin pa ang resulta ng isinagawang mass testing sa mahigit 1,000 kawani bago alisin ang ipinapatupad na lockdown sa kampo ng 5th Infantry Division Phil. Army sa Camp Melchor Dela Cruz, Upi Gamu, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Major Jekyll Dulawan, Division Public Affairs Officer ng 5th Infantry Division Phil. Army na nagpasya silang isailalim sa lockdown matapos 1,000 tauhan at kasapi ng 5th ID ang isinailalim sa agressive mass testing noong Sabado at siyam sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19.

Sinabi pa ni Major Dulawan na hinihintay pa ang resulta ng ilang sumailalim sa mass swab testing.

Kinakailangan anyang ma-contain ang mga nagpositibo sa virus at kanilang mga nakasalamuha.

--Ads--

Sa ngayon anya ay naka-quarantine na ang nakasalamuha ng siyam na nagpositibo sa COVID-19.

Karamihan anya sa mga nagpositibo ay asymptomatic at walang critical ang kondisyon.

Ang mga nasabing sundalo ay mayroong exposure sa mga lugar na marami ang nagpopositibo sa COVID-19.

Hindi muna anya ipinapalabas sa loob ng kampo ang mga sumailalim sa aggressive mass testing habang hindi pa lumalabas ang resulta ng kanilang swab test.

Ang bahagi ng pahayag ni Major Jekyll Dulawan