--Ads--

CAUAYAN CITY– Bumaba ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Cauayan City mga nakalipas na araw.

Batay sa inilabas na impormasiyon ng Cauayan City COVID-19 Task Force nasa 36 na lamang ang aktibong kaso ng COVId 19 matapos na makapagtala ng sunod sunod na gumaling.

Unang nakapagtala ng 19 na recoveries ang Cauayan City habang tatlo ang naitalang bagong kumpirmadong kaso.

Kabilang sa mga nagpositibo si CV 6666, 55 anyos na lalaki, walang kasaysayan sa paglalakbay ngunit nakasalamuha ang isang nagpositibong pasyente.

--Ads--

Pangalawa si CV 6713, 67 anyos na babae, isang opisyal ng Barangay District 3 at panghuli si CV 6717 na isang pulis na mula sa barangay Minante Uno.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay pumalo sa 80 ang COVID-19 active cases sa Cauayan City dulot ng pagkakahawa ng ilang residente sa mga nauna na nang nagpositibo sa virus.

Samantala, patuloy ang pagsasailalim sa calibrated lockdown sa ilang bahagi ng Pilar Street, District 3.

Unang isinailalim sa calibrated lockdown ang naturang lugar noong January 13, 2021 at magtatapos bukas, araw ng Miyerkules.

Patuloy ang paglimita sa galaw ng mga miyembro ng 45 pamilya na apektado ng lockdown.