CAUAYAN CITY– Naibigay na ang disenteng libing matapos ipasakamay ng mga sundalo sa kanyang pamilya ang mga labi ni Ka-Aira, isang dating mag-aaral ng Cagayan State University na napatay sa engkuwentro at inilibing ng mga kasamahan sa Baggao,Cagayan.
Una rito ay natunton ng militar ang kinaroroonan ng mga kaanak ni Ka Aira at pinag-usapan ang pagbibigay sa kanya ng disenteng libing.
Agad na ipinasakamay ng mga sundalo ang labi ni Ka Aira sa kanyang mga kamag-anak ng pumayag sila na mabigyan ito ng disenteng libing at iniuwi sa Gamu, Isabela.
Matatandaan na nahukay ng mga sundalo ang bangkay ni Ka-Aira, dating estudyante ng Cagayan State University (CSU) na umanib sa New Peoples Army (NPA) at inilibing ng kanyang mga kasamahan sa Baggao, Cagayan.
isa sa mga kasamahan ni Ka Aira ang sumuko sa mga sundalo na siyang nagturo sa pinaglibingan kay Ka Aira sa Sitio Kapanisuwan , Bitag Grande, Baggao, Cagayan nang mamatay matapos nilang maka-engkwentro ang tropa ng pamahalaan noong 2017 sa Brgy. San Jose.
Bago umanib sa makakaliwang grupo si Ka Aira ay naging miyembro ng Kabataan at College Editors Guild of the Philippines habang ang ama naman ni Ka-Aira na si Ka-simoy ay Kumander ng NPA na kumikolos sa Cagayan Valley.











