--Ads--

CAUAYAN CITY– Nasugatan ang anim katao sa karambola ng tatlong sasakyan sa Brgy. Daramuangan Norte, San Mateo, Isabela

Ang mga sangkot na sasakyan ay isang van na minamaneho ni Michael Calad , 32 anyos na residente ng barangay dos, San mateo isabela.

Habang ang isa pang sasakyan na nasangkot sa aksidente ay isang SUV na minamaneho ni Ramon Rafael Luis Hilomen, 20 anyos na residente ng barangay Daramuangan Norte, San Mateo at isang pick-up na minamaneho ni Alberto Matammo, 34 anyos na residente ng barangay Buntun, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa pagsisisyasat ng San Mateo Police Station napag-alamang kapwa binabagtas ng van at SUV ang provincial road habang nasa kasalungat na linya naman ang pick-up.

--Ads--

Aksidenteng nabangga ng SUV ang likurang bahagi ng Van sanhi para mawalan ng kontrol sa manibela ang tsuper na si Calad at nabangga ang kasalubong na pick-up.

Dumiretso sa kanal ang sasakyang minamaneho ni Calad habang kapwa bumangga naman sa steel road barrier ang SUV at Pick-up.

Dahil sa banggaan ay nagtamo ng sugat ang mga sakay ng mga sasakyan na agad dinala sa pagamutan ng mga tumugong kasapi ng San Mateo Rescue Team.