CAUAYAN CITY – Naaresto kagabi sa Balagtas, Bulacan ang number 4 most wanted person regional level matapos ang mahigit 33 taon na pagtatago mula noong 1988.
Ang akusado ay si Rogelio Garduque, 59 anyos, negosyante at dating miyembro Philippine Constabulary/Integrated National Police (PC/INP) at residente Centro 7, Claveria, Cagayan.
Si Garduque ay nagtago ng 33 tatlong taon sa Balagtas. Bulacan matapos mapatay sa Calaveria, Cagayan noong August 16, 1988 ang mga biktima na sina Merlito Viernes at Vicente Martinez.
Ang mga personnel ng Cabatuan Police Station sa pangunguna ni PLt Jessie Alonzo, OIC at Philippine Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa pangunguna ni PLt Elymar Ventura sa direct supervision ni PMaj Eugene Mallillin ay naaresto ang akusado.
Ito ay sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Adrian Pagalilauan, Executive Judge ng RTC, 2nd Judicial Region Branch 12 sa Sanchez Mira, Cagayan sa kasong double murder at may inirekomendang piyansa na 200,000 bawat kaso.
Ang arresting team kasama ang akusado na si Garduque ay nagbiyahe kagabi mula sa Balagtas, Bulacan at dumating sila kaninang 5:30am sa Cabatuan Police Station para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.











