--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumuo ng task force ang pamahalaang lungsod ng Santiago na mag-aasikaso at tututok sa vaccination program para sa mga residente.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Genaro Manalo, City Health Officer ng Santiago City, umaabot sa 30 million pesos hanggang 50 million pesos ang ilalaan na pondo ng LGU para sa bibilhing bakuna laban sa COVID-19.

Batay sa ginawang pagpupulong ng task force, sinabi niya na handa na ang pamahalaang lunsod na bumili ng bakuna ngunit hinihintay pa nila ang guidelines mula sa DOH at kung anong brand ng bakuna ang pumasa sa evaluation ng FDA.

Nakipag-ugnayan na rin aniya si City Mayor Joseph Tan kay Regional Director Rio Magpantay ng DOH region 2 upang alamin kung anong brand ng bakuna ang pwedeng bilhin ng pamahalaang lunsod.

--Ads--

Inihayag ni Dr. Manalo na frontliners at mga vulnerable sectors ang magiging prayoridad sa gagawing vaccination kung sakaling may mabili ng bakuna.

May kahilingan din aniya ang punong lungsod sa mga negosyante na kung maaari ay tumulong sa pagbili nito dahil kasama ang ilan sa kanila sa binuong task force.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Genaro Manalo