--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinagawa kaninang umaga ng pamahalaang lunsod ng Ilagan ang necrological service para kay yumaong dating Vice Mayor ngayon ay City Councilor Vedasto Villanueva.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Information Officer Paul Bacungan, sinabi niya na isinagawa ang maikling necrological service para kay SP Member Villanueva para makita siya sa huling sandali at bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa bilang dating bise mayor at kasapi ng Sangguniang Panlunsod ng Ilagan.

Mula sa kanilang bahay ay dinala ang kanyang mga labi sa city hall at doon isinagawa ang necrological service.

Pagkatapos nito ay dinala na siya sa kanilang barangay sa Cabisera 22, City of Ilagan para sa kanyang last night mamayang gabi at bukas ang kanyang libing.

--Ads--

Nagtalaga sila ng mga awtoridad sa lugar para matiyak na masunod ang mga health protocols.

Ang pahayag ni City Information Officer Paul Bacungan