--Ads--

CAUAYAN CITY– Muling nakapagala ng dalawang panibagong kaso ng COVID 19  ang lalawigan ng Quirino.

Dahil sa dalawang panibagong kaso ay umakyat na sa 35  ang total case ng COVID 19 sa Quirino, 31  ang recoveries habang  4  naman ang aktibong kaso.

Ang panibagong mga tinamaan ng virus ay sina CV 7031, 25 anyos na  lalaki, residente ng  Barangay Bannawag, Diffun.

Siya ay nagtratrabaho sa Santiago City Public Market at asymptomatic.

--Ads--

Si CV 7031 ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Quirino Province COVID Ligtas Center.

Ang pangalawang naitala ay  si CV 7032, 39 anyos na  babae,residente ng   Burgos Cabarroguis.

Siya ay isang dialysis patient sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City  at na-exposed  kay CV-6663 na co-patient niya sa hospital.

May  comorbidity ang pasyente na hypertension at renal disease subalit kasalukuyang asymptomatic.

 Siya ay nakaquarantine sa Region 2 Trauma and Medical Center.

Ang kanilang mga close contacts ay isinaialim na sa swab test  at   sumasailalim sa strict quarantine.