--Ads--
CAUAYAN CITY– Inaresto ng mga kasapi ng Solano Police Station ang isang binatang nasa number 10 most wanted person regional level dahil sa kasong panggagahasa sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya
Ang ang akusado ay 18 anyos na binata at residente ng Manzano Street, Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.
Ang warrant of arrest ay inilabas ni Judge Cicero Jandoc ng 2nd Judicial Region, RTC Branch 29 Bayombong, Nueva Vizcaya sa kasong rape in relation to Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act).
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
--Ads--
Ang akusado ay dinala sa Solano Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.











